I MISS YOU!

I missed how you caress my hair,

With love and fondle I feel the care.

I missed how you hold my hand,

Especially when it’s intertwined.

I missed how you make me smile,

From the simple things that feel so right.

I missed how I stared at you

While listening to all your stories,

Oh how I love to know you more.

I missed how you sang a song

You’re the melody that I adore.

I really missed to be with you.

Every day and every night I am badly missing you.

How I wish you can hold me tight,

‘Cause honestly I’m starting to feel so unlight.

But I know all of these will be worth the wait,

‘Cause baby you’re the one that I have prayed.

Advertisements

DEARTH

Looking at the stars so brightly,
Talking to God so deeply,
Wanting to ask what my life will be,
As well the purpose that was meant for me.

I was wondering how stars still shines,
In the midst of the cold and darkest nights,
Twinkling, sparkling and shimmering,
In the situation that was dimming.

I want to know their scheme,
How they can manage to be so seemly,
How, how, how??? please, I’m asking so desperately,
’cause honestly I was no longer me.

No light, no desire, my heart is unfired,
I always tried and tried but peter sake I’m tired,
I’m starting to lose myself, help.
I am close to dearth.

TANGI(NG) PANALANGIN ❣️

Kakaibang pakiramdam ang nadama,
Ng Isang araw nakausap kang bigla,
Di mapaliwanag kung anong klaseng saya,
Mga ngiting umaabot hanggang sa’king mga mata.

Nakakahipnotismo ang iyong mukha,
Lalo na sa kung papaano ka magsalita,
Sa buhay, integridad, lalo na pagmamahal sa pamilya,
Totoo ka ba? O ‘di lang ako makapaniwala?
Na agad ka ng nakakapasok sa aking sistema.

Nakakatawa tila yata mahika,
Sa isang iglap puso ko’y talaga nang nakawala,
Nakakapagtaka na sa kung papaanong paraan ito nagawa,
Pagka’t gamit sa puso ay isang matibay na tanikala.

Nakakatakot baka biglang mawala,
Nangangambang lahat ng ito’y hanggang simula,
Kasi Sabi nila, “Kung gaano kabilis dumating, ganun din kabilis aalis — ‘wag naman sana.

Ngunit kahit anong pang pangitain,
Hindi maitatanggi na ikaw ay akin nang itinatangi,
Naniniwala ng labis na ang Ama sa langit ang nagsabi,
Anak, sya ang iyong matagal ng panalangin.

DAANG BUBOG

Hihinga ng malalim, mag iisip at mag mumuni-muni.
Tamang daan ba ang tinahak? malubak, mabato, magulo, madulas, marahas, mapanakit, masakit.
Tama nga ba ito? Paa ko’y puno na ng  dugo na dulot ng bubog ng mga bato,
Na kahit gamutin ay patuloy parin ang pag agos mula sugat patungo hanggang sa aking mga ugat.

Gusto nang  humiyaw ng ayaw na, tama na, ako’y suko na, ngunit tila yata baga ng apoy ang tapang ng aking pagkatao — na kaysa umatras ay mas lalong naging bukas ang  kaisipan na mas maging malakas — sa paniniwala na sa dulo ng mga daang bubog na ito ay may isang ilog na mag lilinis sa mga sugat ng kahapon,  at mag aagos sa akin patungo sa ilalim ng magandang bahaghari.

Sa tamang oras at panahon, alam kong makakaahon,
Mga pangarap at pangakong, ipinangako sa sarili noong dapit-hapon,
Na balang araw iisa-isahin ang mga nasa  kahon na ibinaon kahapon — para sa kinabukasan na bukas sa  panibagong hamon.

Di pa man malaman kung hanggang saan ang lahat, ngunit sa ngayo’y kailangan munang paglaanan ng pansin, pagka’t tamang oras ay wala pa sa akin, kung kaya’t ang mga nais ay ipapaubaya muna sa hangin.

SELDA

Paano nga ba makakatakas
sa magulong realidad,
sa maingay at mataas na
ekspektasyong itinatapon
ng komyunidad,
sa paulit-ulit na pagdiin
sa mga pagkakamali na para bang
pagpatay ang sanhi,
at bunga’y walang
katapusang paninisi.
Sa mga matang mapang husga
sa imperpeksyon ng iba na kung pagtawanan ay tila hubad sa paningin nila
Sa walang katapusang isyung di malaman kung anong pinagmulan — na mananatiling tikom ang bibig sa lahat ‘pagkat tanging
kwento ng paninira kanilang
pakikingga’t paniniwalaan.
Sa mga taong akala’y tunay na kaibigan ngunit pakay ay kasinungalingan.

Nakakapagod ng maging sentro ng negatibong atraksyon,
nakakabingi ang palaging pagsigaw ng mundo na hanggang d’yan ka lang,
hindi mo kaya, mahina ka.

Nangangati na ang mga paa
na makatakbo at makawala
sa selda ng pag kukunwari na taon ng nakakadena.
uhaw na uhaw na sa pagtanggap
ng mundo sa tunay na sarili.
Gutom na gutom sa mga salitang magpapatatag sa mga kahinaan.
Kailan ba matatapos? Kailan ba mawawala? Gusto ng makawala, gusto ko ng mawala.
Create your website at WordPress.com
Get started